Abante Tonite Interactive

Brownlee sasakripisyo sa Alab Pilipinas

511

Mahaba rin ang nagdaang season ni Justin Brownlee sa PBA, gusto muna niyang magpahinga.

Pero kung dumating ang isang bagay na hindi niya matatanggihan, tatapusin ang bakasyon para tumugon.

Ito ang call up ng Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Mula midseason Commissioner’s Cup ay naglaro na si Brownlee hanggang ibalik ang Ginebra sa trono ng season-ending Governors Cup.

“I had a long season, so I’m gonna rest a little bit,” anang resident import ng Gins.

Pero kung nagparamdam ang Alab, hindi sila magdadalawang-salita.

“If they need me, I would be available in a few weeks or so,” lahad niya.
Plano pa ring ibalik ng Ginebra si Brownlee sa Commissioner’s Cup.

“I want to stay here in the Philippines,” anang four-time PBA champion. “So maybe Alab, if they have a spot for me or if they need a replacement import.”

May ibang offers kay Brownlee mula sa ibang club teams sa Korea, Japan at China, pero iba ang kaway ng Alab.

Hindi siya tatanggihan ng team.

“We’re definitely interested,” ani Alab team owner Charlie Dy. “Will talk to him when we get back from Hong Kong.”

Instrumento si Brownlee sa ABL title ng Alab noong 2017-18.

Bago ang kasalukuyan season, umatras sa team si import Renaldo Balkman at pinalitan ni Nick Young. December din nang ipalit ng Alab si Sam Deguara kay Adrian Forbes, at noong isang linggo ay nagdesisyong sumubok sa free agency si Khalif Wyatt kaya kinuha si Prince William. (VE)