Abante Tonite Interactive

Brownlee, Slaughter itatagay ang Ginebra Kamador!

2,007

Laro ngayon: (Araneta Coliseum)
(Game 1/Best-of-5 semis series)
7 pm – Ginebra vs. Rain or Shine

Markado na ni coach Tim Cone ang mga X at O sa pakikipagbakbakan ng Ginebra sa Rain or Shine sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Babasagin ng magkaribal ang best-of-five series sa nag-iisang laro mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Abante Hiring – IT dep

Sa nag-iisang pagtatapat sa elimination round, kinubabawan ng Elasto Painters ang Gin Kings 108-89 noong April 29 sa Big Dome din. First game iyon ng Gins sa midseason tournament, import pa nila noon si Charles Garcia.

Ibinalik ng Ginebra si Justin Brownlee, nakapaglaro na rin si Greg Slaughter mula injury. Inumpisahan ng Gins ang torneo sa 1-5, tinuhog ang sumunod na pitong laro huli ang dalawa sa quarterfinals nang walisin ang Meralco sa best-of-three series.

No. 1 pagkatapos ng 11-game eliminations ang Rain or Shine, nasagad ang twice-to-beat advantage laban sa GlobalPort bago nakalusot sa do-or-die 103-97 noong lang Huwebes.

“There are reasons Rain or Shine is the number 1 seed,” lahad ni Cone. “One, of course, is (Reggie) Johnson, a smart, mobile big-bodied big man.”

Ang 6-foot-10, 290-pound na si Johnson ay nag-a-average ng 23.18 points, 17.18 rebounds at 3.91 assists per game.
“Another is the play of James Yap,” dagdag ni Cone sa two-time MVP na player niya dati sa grand slam team ng San Mig Coffee. “James has always been good at supplying what the team needs whether it being scoring or sacrifice.”
Kontra Batang Pier, nilista ni Yap ang pinakamalaking produksiyon niya sa nakalipas na dalawang seasons matapos i-trade sa RoS – 27 points mula 7 of 10 shooting sa 3-point line.

“Rain or Shine is just such a savvy basketball team with guys like James, (Gabe) Norwood, (Beau) Belga and (Chris) Tiu, and because of that, they don’t beat themselves,” isa-isang banggit ni Cone sa mga alas ng counterpart niyang si Caloy Garcia.

Bukod kina Brownlee at Slaughter, isasagupa ni Cone sina Japeth Aguilar, Joe Devance, LA Tenorio, Jeff Chan at Sol Mercado. (Vladi Eduarte)