Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brownlee sabik sa balik-Ginebra

0 205

Walang pinaka-excited sa Barangay Ginebra San Miguel na muling makalaro kundi si Justin Brownlee.

Ayon kay coach Tim Cone, bago pa ang nakaraang PBA Philippine Cup sinubukan na nilang papuntahin dito ang resident import, pero hindi natuloy dahil sa pandemic restrictions.

Nang magluwag para sa Governors’ Cup, nakabalik si Brownlee kahit isa sa pinakahuling reinforcements na dumating.

“Long time coming,” bulalas Linggo nang Best Import ng 2018 Commissioner’s Cup. “To be honest, it has been so long. Was like a dream come true.”

Nag-quarantine pa, ilang araw lang nakapag-ensayo si Brownlee sa team na hinatid niya sa apat na titulo, pero madaling naibalik ang chemistry, kahit sa bagong dinatnang si Christian Standhardinger.

Tagumpay na inumpisahan ng Gins ang title defense sa bisa ng 88-70 win laban sa Alaska sa Ynares Arena sa Pasig.

Nagsumite si Brownlee ng 28 points, 10 rebounds, 4 assists, 3 steals at 2 blocks.

“Justin and Christian playing sweet music tonight,” puna ni Cone.

Nakipagsabwatan si Brownlee kina Stanley Pringle, Scottie Thompson at LA Tenorio sa dulo para agawin ang panalo.

Si Brownlee at ang Gins ang huling kampeon ng season-ending conference noong 2019-20. Sumunod na season ay kinansela ng liga ang import laden tournaments dahil sa coronavirus. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.