Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brownout pa ibinabala

0 115

Inamin ng Department of Energy (DOE) nitong Huwebes na may posibilidad pa rin na makaranas ang ilang mga taga-Luzon ng rotational brownout.

Ayon sa DOE, mababa pa rin ang supply ng kuryente at maaaring hindi umabot sa projected demand sa susunod na linggo. Bukod dito, kagagaling lang din ng Luzon grid sa dalawang sunod na linggo na nasa yellow alert.

“Mahaba-haba po `yong ating potential na yellow alerts at meron po tayong mga specific weeks ng potential red alerts… Meron pa rin tayong power plants na magco-conduct ng kanilang PMS (preventive maintenance schedule) during the summer season,” pahayag ni Energy Director Mario Marasigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kapag sumobra sa dalawa ang naka-outage, definitely may problema tayo sa supply,” dagdag pa niya.

Bilang paghahanda, sinabi ni DOE Undersecretary Emmanuel Juaneza, nakikipag-ugnayan na sila sa ilang kompanyang maaaring makatulong sa pagtatabi ng supply ng kuryente. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.