Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brownout patikim sa `bill shock’

0 74

Maaari umanong makaranas uli ng `bill shock’ ang mga kustomer ng Meralco dahil sa pagtaas ng singil sa kuryente dulot ng mga yellow at red alert.

Subalit para kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, ang mga pagtaas ng singil sa kuryente sa nakaraang tatlong buwan ay “tip of an iceberg” pa lamang.

Ipinaalala ni Zarate ang nangyari nang mag-shutdown ang Malampaya na sinabayan ng mga planta ng kuryente kung kaya umakyat ng P4.15 kada kiloWatt hour ang presyo noong Nobyembre 2013 at 5.33/kWh noong Disyembre 2013.

Dahil sa kakulangan umano sa suppl ng kuryente ay umakyat sa P62/kWh ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Matapos ito ay inilagay ang P31/kWh price cap sa WESM.

“But even if this is halved now to P31 due to the secondary price cap, this will still jack up power rates considerably,” sabi ni Zarate.

SM food to go Banner Ad

Iginiit ni Zarate na dapat umaksyon ang Kongreso para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente dahil hindi makagawa ng kuryente ang mga planta.

Dapat umanong rebisahin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na nabigo sa layunin nito na pababain ang presyo ng kuryente.

“We can also entirely scrap EPIRA and make a new electric power law that would allow government ownership and construction of power plants and other aspects of the power industry so that it would be service oriented and not concentrated on profit,” ayon pa sa kongresista.

Dapat din umanong ipasa ng Kongreso ang pagbabawal sa cross-ownership sa mga power plant at distribution utility. (Billy Begas).

Leave A Reply

Your email address will not be published.