Abante Tonite Interactive

Brownout sa Bulacan, Rizal, Iloilo

229

Mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng mga probinsya ng Bulacan, Rizal, at Iloilo ngayong araw at bukas, Sabado, dahil sa nakatakdang maintenance sa mga power facility ng Manila Electric Company (Meralco) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa anunsyo ng Meralco sa kanilang tweet sinabing makakaranas ng power interruption sa New Delhi, mula sa Jerusalem hanggang East Gate Avenue, sa East Gate Executive Village sa San Juan, Taytay, Rizal sa pagitan ng alas-nuwebe Biyernes nang umaga hanggang alas-dos nang hapon.

Ilang bahagi rin ng Guiguinto, Bulacan ang magkaka-brownout mula alas-10:00 Biyernes nang gabi hanggang alas-tres Sabado nang madaling-araw.

Samantala, sa anunsyo naman ng NGCP, mawawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Iloilo na sineserbisyuhan ng Iloilo Electric Cooperative simula alas-siyete nang umaga hanggang alas-singko ng hapon bukas.