Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bruha nakasagupa ng Astral

0 204

Mga ka-Misteryo isang kahindik-hindik na karanasan ang ibinahagi sa #Misteryo ng isang astral traveller nang makasagupa ang isang bruha.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Sa salaysay ni Roland ng Mandaluyong akala niya panaginip lang ang lahat dahil nagising siya sa mismong dreamland hanggang sa lumitaw ang bruha at nagbago ang kanyang kapaligiran at nakita niyang nasa ancestral house na siya ng kanyang pamilya.

Misteryo: “Roland mukhang napasabak ka ah. Paano ba nagsimula yung sagupaan na yun laban sa bruha. Kilala mo ba siya sa pisikal? Buhay pa ba siya? O talagang nakatira na siya sa astral dimension ng ancestral house niyo?”

Roland: “Yung bruha na yun lagi ko nakikita sa panaginip ko at nakatambay yun sa ancestral house namin pero nitong huli hindi lang pala ito panaginip talagang napunta ako sa ancestral house namin. Yung astral dimension ng bahay.”

Misteryo: “Paano nagsimula ang labanan niyo ng bruha?”

Roland: “Sa first part bago ko nalaman na astral na pala ay parang panaginip lang. Grupo daw kami ng students na naipit sa isang mall dahil may kaguluhan. Nagkulong kami sa cr pero pumasok dun ang mga pulis at prime suspect daw yung isang babaeng estudyante na kasama namin. Pero wala siya sa group mukhang tumakas kaya yung bag na naiwan niya ang kinalkal namin. Kitang-kita namin sa loob ng bag niya mga gamit niyang pangkulam.”

Misteryo: “Anong sumunod na nangyari? Paano kayo napunta sa ancestral house?”

Roland: “After nung scene sa cr sa mall nagbago na yung paligid, napunta na ako sa ancestral house namin at yun dun ko na nakita yung bruha.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Tulad ng sinabi mo lagi kayo nagpapang-abot sa ancestral house.”

Roland: “Gusto ko na siyang ikulong para maibaon kaya nag-try ako na mai-bind siya. May dala akong plastic na pwede kong pagkukulungan sa kanya pero nanlaban siya. Hagikgik siya ng hagikgik sabay sabi na hindi na raw ako makakaalis sa lugar at ikukulong niya ako. Medyo natakot ako pero lumaban ako. May nasambit ako na chant para ikulong siya sa plastic at yun nakulong siya. Pero nahirapan ako na ma-selyuhan hanggang sa makalusot siya at nakalabas. Pagkatapos nun nagising na ako. That means may next pa kaming pagtatagpo ng bruha.

Abangan natin ang karanasang ito ni Roland. Mahirap paniwalaan pero nangyayari sa mga taong may alam sa kabilang dimensyon. Para sa inyong kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.