Abante Tonite Interactive

Bruha sa lovelife ni Elmo

By
2,572

After 30 years,bumalik na po kami sa dati naming bahay. Masaya po  kami na muling makakasama ang mga kapamilya.

Nagsimula po kami sa pagsusulat sa showbiz noong June, 1987 sa Abante, magmula sa aming entertainment editor na si Giovanni Calvo, kay Marc Guerrero hanggang kay Danny Vibas.

Sa aming pagbabalik, maraming salamat sa pamunuan  sa malaking oportunidad na ipinagkaloob sa amin.

***

Hindi mapigilang tumawa si Elmo Magalona nang tanungin kung may bruha rin ba sa lovelife niya. Inihahalintulad  kasi ito sa pelikula nila ni Janella Salvador na ‘My Fairy Tail Love Story’ na showing sa February 14.  Kinokonek din sa situwasyon niya sa totoong buhay.

Sinabi kasi ng young actor na may kontrabida rin sa love story nila sa movie. In any love story raw ay meron daw tala­gang bruha.

Pero hindi naman daw ito uma-apply sa tunay na buhay. Minsan daw ay may hindi napagkakasunduan pero hindi raw ‘yan ang ending dahil naaayos din.

Very well said!

Aktor, manhid sa pagsisigarilyo kahit may buntis

HULAAN BLUES: Manhid ang pasaway na aktor dahil walang pakialam na nagsisigarilyo sa isang presscon. Kahit buntis ang isa sa nagi-interview sa kanya  at umiiwas sa usok sa pamamagitan  ng kanyang kamay ay dedma pa rin siya.

The height ang attitude ng aktor dahil bawal sa lugar na ‘yun ang mag-smoke.

Hay  naku!