Abante Tonite Interactive

Bruno sinisipat ang bakat ng male contestant

By
5,218

Ano kaya ang mangyayari sa karera ni Bruno Gabriel nga­yong kalat na kalat na sa iba’t ibang pink portals ang mga larawan na kasali siya kung saan kitang-kita na tila sinisipat niya ang mga crotches of the male contestants sa isang katatapos lang na male pageant.

Sa larawan ko lang nakita ang mga pagtingin ni Gabriel, hindi ako sure kung sa mismong pageant ay ganun nga rin talaga na ‘di sinasadyang mapatingin siya sa mga bukol ng mga hombre, so many times and so many ways.

Must we take it against him kung curious siya sa mga bumabakat na Felix kung meron man? Does it diminish his ‘masculinity’ kasi nga takang-taka siya sa mga umbok na pilit na itinatago sa mga swimming trunks na parang one size smaller sa mga may suot nito?

Wala akong nakitang malisya sa gawi ni Bruno Gabriel. Lalo na nga’t wala namang touch me in the morning at touch stone na mga kaganapan. Huwag maging judgmental lalo na nga’t he is not a book! Hahahaha!
***

Carrot Man type makawala sa pagka-nganga

Ang ‘di dapat makalimutan, ang one time, big time na nagpatibok sa ating mga collective kolehiyala puso, ang bedimpled at charming na si Jeyrick Sigmaton, na kilala nating lahat bilang si Carrot Man.

Matapos maging isang internet sensation dahil nga super photogenic ang binata, ang Kapuso Mo Jessica Sojo, may major, major segment na ginawa para sa kanya. Ang ka-Dos at ka-Siyete, nag-agawan pa nga sa heartthrob mula sa Mountain Province.

Wagi ang mga ka-Siyete at naka-apir ang binata sa iba’t ibang Kapuso shows. After na niyang maging brand ambassador para sa isang clothing line kung saan captured sa fashion campaigns ang kaguwapuhan ni Jeyrick, tumahimik ang da­ting maingay niyang karera.

Sa kasulukuyan, may mga palihan na dinadaluhan si Sigmaton. May voice, movement at acting workshops siyang sinasalihan bilang paghahanda sa kanyang ‘pagbabalik’ showbiz.

Ang diva that you love, ang wish, mas tumangkad na siya at hindi na vertically challenged. Kung mas may kaunting ‘heft’ siya na proportional sa kanyang height, mas bongga rin. Siyempre, importante ang speech classes para ang regional accent, mawala at turuan din ang binata sa art of casual conversation at kung paano gamitin ang kanyang charm offensive.

Good luck sa iyo, Jeyrick. Nawa’y ma-highlight din ang iyong mga innate talents at huwag mong kalilimutang ipagmalaki ang iyong cultural community at heritage.

***
Sa wakas, pinanood ko na ang Sid & Aya. In fairness, puno ang sinehan sa aking favorite kong Southern Mall. Ang pagkakasulat at pagkakadirehe, sadyang mahusay.

Mahusay kasi totoong-totoo ang mga nangyari, walang labis, walang kulang, mauunawaan mo ang mga nangyayari sa dalawang katauhan.

Ang pinakagusto ko sa mga katauhan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis, bilang mga indibidwal, may mga kapintasan sila at may kalakasan. Ang kuwento, hindi kailanman napapupunta sa pagiging melodramatic at nakaapak sa realidad ito, may class inequality at power issues pa nga.

Ang paghanga at paggalang ko sa pagiging aktor ni Dingdong Dantes, mas tumaas at tumindi. Napa­kuhusay niya bilang scheming stock broker who went for broke emotionally nung dumating sa kanyang buhay si Aya, she shook and rocked his lonely world.

Bilang Aya, ako ay kumbinsido sa aktres na sensitibo at alam ibigay ang katotohanan at puso sa kanyang katauhan. Panoorin sa mga sinehan dear readers, ‘di niyo pagsisisihan.