Abante Tonite Interactive

Bryan natadyakan ang ‘yagbols’ ni Kiko

769

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Nakapana­yam ko si Bryan Revilla, bago magsimula ang block screening ng Tres.

Kwento niya, “Yung totoong running time namin, I think Virgo was about to an hour and twenty mi­nutes, and we have to compressed and tighten every thing in 35 minuites so ang da­ming nawala. “
Dahil very warm ang reception sa kanilang pelikula, sinabi ni Revilla, “Balak namin na ipalabas na siya soon na buong-buo. Marami pang twists sa Virgo eh, lalo na sa character ni Carla Humphries.”

Panalo rin ang bakbakan nila ni Kiko Matos, huh. Pagtatapat ni Bryan, “Matagal na rehearsal yun. When we were doing the actual shoot, 24 oras na yata yun. Proud ako sa mga fight scenes namin kasi pag pinonood mo siya, parang totoong-totoo.”

Pag-amin ni Bryan, “Nagkasakitan talaga kami ni Kiko. Hindi sinadsadya, may eksena sa fight scene na dapat tadyak sa tiyan ang mangyayari. When we were taking it na, ayun, yung tadyak ko, I accidentally hit his balls. Pag cut ni direk Richard, I apologized to him kaagad.”

Ang tatay niyang si Senador Bong Revilla, hindi pa napapanood ang kanilang pelikula and Bryan is hopeful na one of these days, ang dad niya, mapapanood ito.

Marco-Shy walang promise

Kamusta nga pala sa takil­ya ang Para Sa Mga Broken Hearted?

May nakapagsabi sa diva that you love na mahusay ang pagganap ni Sam Concepcion sa pelikula. Kung totoo ngang mahina ang box-office performance nito, matuloy pa kaya ang chikang nasagap ko na may balak daw ang Viva Films na i-push ang karera ni Concepcion at gagawin ang lahat para maging estrella ang career nito at mapabilang sa one percent elite artista circle?

Eh kamusta naman si Marco Gumabao? Nagpabakat sa Abay Babes, wa epek.

Dito sa Broken Hearted, kung totoo ngang under performing ito, broken string na ba agad ang team up nila ni Shy Carlos?

Kung walang promise of a new day ang Gumabao at Carlos tandem, bakit pa ipinipilit? At sa lahat ng mga gay at straight acting pamhinta, bakit ‘pag may poses si Marco in his underwear with matching­ bulbuling kili-kili pagbuyangyang nagkakagulo tayo.

Noong bida siya sa pink-themed commercial para sa isang cologne brand from the fashion house na siya ay resident stud model, we were so loving him.

Pero sa mga pelikula niya, we all looked the other way. Ang tanong, ano ang dapat gawin ni Marco para ang next movie niya, panoorin na natin?

A.) Maghubad? B.) Maghubo? C.) Mag­hubad at Maghubo? D.) Ibuyangyang ang ari-arian o E.) All of the above?

Pasaring sa Cinema One Originals

Muling mauulit ang panyayaring may dalawang film festival na magkasunod. Nitong Agosto lang, matapos ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, kabuntot agad nito ang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ang may payanig para sa taunang Cinemalaya ay ang Cultural Center of the Philippines.

Ang PPP, ang may paandar­ naman ay ang Film Development Council of Philippines.

Ngayon naman, sa Oktubre 12-21 ang 14th Cinema One Originals 2018 at susundan naman ang 6th edition ng QCinema international filmfest.

May mga chikang si QC Vice Mayor Joy Belmonte, totoo nga bang may pasaring sa Cinema One Originals?

Makakatulong ba ito para ang mga tao, panoorin ang mga pelikula sa festival na kanyang pinamumunuan?

Merito ng mga pelikulang kasali ang dapat i-highlight sa kahit saan festival. Hindi iyang mga patutsada at pasaring.

Ang diva that you love wala sa press payanig para sa festival na anim na taon, parang sila lang ang nakakaalam, makakatulong. Yun lang.