Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bryan niresbakan ng Osaka

0 198

Hindi pinalad mawalis ni Bryan Bagunas at ng Oita Miyoshi Weisse Adler ang Osaka Sakai Blazers sa rematch, 18-25, 18-25, 18-25 sa 54th V.League 2021-22 prelims sa Nippon Steel Sakai Gymnasium sa Japan Linggo ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Binawian ng Sakai Blazers ang Oita Miyoshi sa pangalawang pagtatagpo upang magtabla ang talaan ng dalawang team sa 1-1 win-loss. Nakauna ang Oita nitong Sabado, 25-19, 25-20, 21-25, 28-26.

Kapos para sa koponan ang pitong puntos, isang block at isang ace ng Pinoy import. Sunod sa Miyoshi ang Wolfdogs Nagoya sa Oktubre 23. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.