Abante Tonite Interactive

Bryant dinipensahan si Walton

246

Buong tapang na sinagot ni Los Angeles Lakers legend Kobe Bryant­ ang mga hater ni Luke Walton sa Twitter dahil sa sunod-sunod na talo ng L.A.

“Relax. Entire squad is damn near out. Were playing pretty well before that #gethealthy #lakerfam,” tweet ni Kobe sa mga basher na nananawagan ng pagsibak kay Walton.

Ayon sa 18-time All-Star, ang injuries ang dahilan kung bakit sunod-sunod ang pagkatalo ng Los Angeles.

Abante Hiring – IT dep

Ilan sa mga player na may iniindang injury ngayon ay sina LeBron James, Rajon Rondo at Kyle Kuzma.

Nagtatala ang Lakers ng 3.2 net rating kapag naglalaro si James ngunit bumagsak ito sa minus 3.7 nang ma-injured, ayon sa NBA.com.
Sa kasamaang-palad, hindi na gugustuhin pa ni Kobe na bumalik sa paglalaro ngunit sinabing buong suporta ang ibibigay niya sa Lakers­ at kay Walton.