Abante Tonite Interactive

‘Bryn Me The Money’

0 171

Si Bryn Kenney ng Estados Unidos na ang bagong all-time leader sa poker money list matapos ang Triton London – A Helping Hand for Charity tournament na pinakamalaki in terms of buy in sa kasaysayan ng laro.

Pumangalawa lang si Kenney sa nanalong si Aaron Zang ng China pero nagkaroon sila ng deal bago ang heads up play. Halos 80 porsiyento ng chips ang hawak ni Kenney bago ang tapatan nila ni Zang kaya mas malaki ang naging garantisadong premyo niya sa kanilang deal – £16,890,509 ($20.5 milyon) kumpara sa £13,779,491 ($16.72 milyon) ni Zang.

Ang Triton London ay may buy in na 1,050,000 ($1,283,324) at 54 lahat ang sumali, kabilang na ang dating all-time money leader na si Justin Bonomo ng Estados Unidos. Nasa £2.7 milyon ($3.27 milyon) mula sa entry fees ang mapupunta sa iba’t ibang charity institutions sa mundo.

Abante Hiring – IT dep

Sa ngayon ay nasa $55 milyon na ang ang tournament cashes ni Kenney habang nakapako pa rin sa $45 milyon si Bonomo na nabigong makakuha ng premyo sa torneo.

Dahil sa laki ng mga buy ins at sa dami ng sumasali ngayon sa mga high-roller events, hindi tayo magugulat kung sa madaling panahon ay magbabago ulit ang liderato sa all-time money list ng poker. Hindi na rin magtatagal ay meron nang aabot sa $100 milyon ang tournament cashes.

Sa kasalukuyang taon lang ay nasa $30 milyon na ang cashes ni Kenney, patunay ito na sa isang hot stretch lang ay puwedeng lumobo ang iyong tournament winnings.

Susunod naman nating ibabahagi sa inyo ang kakatapos na international event na ginanap sa Pilipinas – ang 2019 Asia Pacific Poker Tour (APPT) Manila.