BSP: $600M nabawas sa padala ng mga OFW

Mahigit $600 milyon ang nabawas sa remittance ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang mga pamilya.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak ng 4% ang remittance ng mga OFW sa $14 bilyon mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon mula sa $14.6 bilyon noong first half ng 2019.

Ayon sa datos ng BSP, bahagyang dumami ang remittance na galing sa Asia at Estados Unidos ngunit malaki ang binagsak ng perang padala mula sa Europe at Middle East.
Nabawasan ng 16% ang padalang pera ng mga OFW sa Middle East na umabot lamang sa $2.5 bilyon mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa $3 bilyon noong first half ng 2019 at 16% din ang nawala sa remittance galing sa Europe na umabot na lang sa $1.7 bilyon mula sa $2 bilyon noong first half ng 2019. (Eileen Mencias)