Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP: Bawal pa taasan interes sa credit card

0 159

Hindi pa pinapayagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magtaas ng singil ang mga credit card company.

Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na pinatutupad pa rin ang Circular no. 1098 na pinagbabawal ang paniningil ng interes na mas mataas sa 2% kada buwan para sa mga unpaid outstanding credit card balance o 24% kada taon.

Para sa mga credit card loan na naka-installment, hanggang 1% lamang ang pinapayagan ng BSP na interes.

Ang Circular No. 1098 ay pinirmahan noong Setyembre 2020 matapos magbaba ng interes ang BSP sa mga bangko ng ilang beses. Dahil mababa pa rin ang interes, dapat lang umano na ipagpatuloy ang patakaran sa interes ng mga credit card loan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.