Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP: Bigyan pa ayuda mga tao, negosyo

0 385

Maaaring kailangan magbigay pa ng ayuda ang pamahalaan sa mga tao at negosyo para manumbalik ang kumpiyansa sa ekonomiya at maibangon ito, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inihayag ito ng BSP dahil sa kabila umano ng pagbaba ng interes sa mga pautang, naghigpit pa rin sa pagpapautang ang mga bangko nitong 2nd quarter ng taon kahit hinihimok na sila ng BSP para magpautang.

“There may be a need for income support for wage earners,” sabi ni BSP Director Dennis Lapid.

Sabi ni Lapid, kailangang gastusan ng administrasyong Duterte ang pagbibigay ng ayuda dahil hindi sapat ang pagbaba ng interes at ang pagseguro na nandiyan ang pondo para bigyan ng kumpiyansa ang mga negosyo at tao dahil nagdurusa pa sila sa epekto ng community quarantine. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.