Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP Complex pinoporma sa New Clark City

0 196

Limang architecture/engineering company ang nasa shortlist ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa disenyo ng ipatatayong BSP Complex sa New Clark City sa Tarlac.

Kasama sa mga kompanyang nasa listahan ng BSP ang Aidea Inc., Nepthy S. Del Rosario and Partners, joint venture nina Enrique O. Olonan & Associates at Palafox Associates.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanggang P90 milyon ang budget ng BSP para sa disenyo o plano ng mga arkitekto at inhinyero sa semi-restricted at non-restricted zones ng ipatatayong BSP Complex sa New Clark City.

Inilabas ng Bids and Awards Committee ang shortlist noong Disyembre 29, 2021. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.