Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP `di kabado sa pagbagsak ng piso

0 76

Iginiit ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi sumasalamin sa ekonomiya ng Pilipinas ang paghina ng piso kontra dolyar.

Nitong Miyerkoles kasi, nagsara sa P54.47 ang palitan ng dolyar sa piso, pinakamahinang halaga buhat noong 2005.

“It is not a reflection of the economy. It’s just that masyadong malakas ‘yong dolyar. Ang sabi ko nga, if you compare us with the rest of Asian economies, including Japan, nasa middle tayo,” pahayag ni Diokno.

Si Diokno ang magiging kalihim ng Department of Finance ng papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, pinuna ni Albay Rep. Joey Salceda ang BSP sa mali umanong prayoridad nito.

Partikular na tinukoy ni Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, ang pagtutok aniya ng BSP sa nangyaring pagbaba ng piso kontra dolyar imbes na ang problema sa inflation o taas-presyo ng mga bilihin ang bigyang pansin.

Hindi aniya nakakaalarma ang pagbagsak ng piso sa dolyar at katunayan ay magandang balita pa nga ito para sa mga overseas Filipino worker, mga exporter at ng sinomang Pilipino na kumikita ng foreign currency. (Issa Santiago/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.