BSP dinenay milyong gastos sa new logo

Tinanggi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumastos ito ng milyon-milyong piso para sa bagong logo nito na nakatakdang gamitin sa Enero 2021.
“The Bangko Sentral ng Pilipinas informs the public that its new logo was developed by in-house talents who shared their skills in the process. Thus, no procurement was required. There is no truth to reports that it spent millions of pesos in relation to its new logo,” ayon sa BSP.
Ayon sa aprubadong 2020 Annual Procurement Plan mula sa BSP website, may P30 milyong budget ito para sa “public relations and advertising programs for BSP branding, circulars, advisories, notices and corporate ads (Tri-media, collaterals, and others)” at P15 milyong budget naman para sa “production and replication of AVP/Ad materials for TV/Radio and kinescope materials for cinema ads for BSP branding and other programs (Tri-media, collaterals, and others)”. May P7.5 milyong budget pa ito para sa social media buyer sa ilalim ng public relations and advertising program nito.
Ang budget ay napapailalim sa corporate affairs office ng BSP na may P3.1-milyong budget para sa consultant. Tatlong beses nag-email ang Abante Tonite sa BSP pero walang natanggap na tugon. (Eileen Mencias)