Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP employee, tsugi sa na-COVID na kapitbahay

0 589

Hindi matiis ng isang empleyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng kanyang asawa ang kanilang kapitbahay na may COVID-19 kaya sila na nagdala nito sa ospital.

Sa kasamaang palad, nahawa sila at pumanaw ang 43-anyos na empleyado ng BSP nitong Huwebes. Ang kanyang asawa, ayon sa source, ay agaw buhay pa rin kahapon sa ospital. Ulila na sa ina ang kanilang mga anak.

Bago pumanaw, nabanggit pa ng kanyang kaopisina na laganap na ang namamatay sa COVID-19 ngayon dahil nagmimistulang obituary na ang kanyang Facebook news feed.

Regular ang COVID19 antigen testing sa BSP para sa mga tauhan nito at quarterly ito ginagawa. Sa mga nakatokang umattend ng meetings, obligado silang magpatest bago mag meeting. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.