Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP gagastos ng P3.9M sa FB, Twitter

0 206

Aabot sa P3.9 milyon ang planong gastusin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa social media upang mapalapit umano sa mga tao.

Ito’y matapos na maging kontrobersiyal sa social media ang palpak umanong disenyo sa mga barya na tinawag ng BSP bilang New Generation Currency at ang planong palitan ang logo nito na inokray ng mga netizen.

Nabatid na nagsagawa ng pre-bidding conference ang BSP para sa social media kasama na ang advertising at bosting, noong Setyembre 16 kung saan limang ahensiya ang dumalo.

SM food to go Banner Ad

Hindi malinaw kung ang P3.9 milyong bidding ay iba pa o kasama na sa P7.5 milyong social media budget ng BSP para sa buong taong 2020.

Kasama sa project ang pagkukuha ng social media influencer at ang pag-boost sa social media page ng BSP.

Tinanong ng Abante Tonite kung kasama sa social media budget ng BSP ang pagbabayad sa mga troll dahil malakas mag-boost ng content sa social media ang mga ito ngunit hindi nagbigay ng pahayag si BSP corporate affairs manager Elisha Lirios.

Ala-una ng hapon ng Setyembre 28 dapat isinumite ang mga bid at ini-award na dapat ang kontrata noong Oktubre. Ang proyekto ay dapat makumpleto na sa Disyembre 31, 2020. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.