Abante Tonite Interactive

BSP gov magpapagamot ng kanser sa dila

272

Muling naghain ng leave of absence si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Go­vernor Nestor Espenilla Jr. para magpagamot sa ibang bansa ng kanyang sakit na kanser sa dila.

Nalaman sa BSP na epektibo ang leave of absence ni Espenilla kahapon at magtatagal hanggang sa Enero 21.

Dahil dito, sina Deputy Governor Diwa Guinigundo at Cyd Amador muna ang magsisilbing officers-in-charge ng BSP.

Tiniyak naman ng BSP na sa kabila ng mga kaganapan ay mananatili silang nakapokus sa mga mandatong nakaatang sa kanila.

Matatandaang inanunsiyo ni Espenilla na may kanser siya sa dila noong Pebrero 2018.

Una na rin siyang naghain ng medical leave noong Setyembre 2018, na kinailangan pang palawigin ng hanggang dalawang linggo.