Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP inawat sa pagbenta ng ginto

0 81

Pinaghinay-hinay ni Senador Francis Tolentino ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kanilang plano na magbenta ng maliit na bahagi ng reserbang ginto ng bansa sa gitna ng kasalukuyang health crisis bunsod ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ito ni Tolentino sa pagdinig ng Senado hinggil sa panukalang

panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021 kasunod ng ulat na kinokonsidera ng BSP ang pagbenta ng mga reserbang ginto nito para mabawasan ang gross international reserves (GIR) ng bansa.

Sa record ng BSP, umabot na sa $98.6 bilyon ang international gold reserve ng Pilipinas.

Subalit pinaalala ni Tolentino kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila, na ilang probisyon sa Republic Act No. 7653 o New Central Bank Act of 1993 ay may limit sa pagbenta ng gold reserve sa panahon ng emergency situation.

“The BSP family should be aware of RA 7653 specifically Section 72 and I quote, `emergency restrictions on exchange operations… they may temporarily suspend or restrict the sales of gold’,” babala ni Tolentino.

Paglilinaw naman ni Dakila, hindi naman karamihan ng bahagi ng reserbang ginto ang planong ibenta ng gobyerno.

“The planned selling of gold reserves it not only at the discretion of the BSP’s treasury department, but it is also guided by the policy of the Monetary Board,” paliwanag pa ni Dakila.

Subalit binalaan pa rin ni Tolentino si Dakila na maaaring lumabag sa batas ang BSP at Monetary Board sa kanilang aksiyon dahil kasalukuyang nasa “national emergency” ang bansa.

Sabi pa ni Tolentino, maaaring kailanganin ng bansa ang reserbang ginto pagdating ng panahon.

Samantala, base sa ulat ng bilyonaryo.com.ph, sang-ayon din si Finance Secretary Carlos Dominguez III, na magbenta ng reserbang ginto ang BSP.

Miyembro si Dominguez ng Monetary Board. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.