Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP nagbabala sa pagkalat ng pekeng pera

0 185

Pinaalalahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa mag-ingat sa mga naglilipanang pekeng pera sa panahon ng Pasko.

Sa lumabas na report, nabisto ang mga pekeng pera na nagkakahalagang P1,000 at P500 na binayad sa ilang tindahan sa Gerona, Tarlac.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Huli na nang malaman ng mga nagtitinda na peke ang naibayad sa kanila, ngunit kinilala na dalawang babae at isang lalaki ang sangkot sa naturang modus.

Tinulungan naman ni Konsehal Ronjie Daquigan ang mga naturang vendor at pinalitan ng tunay na pera ang mga peke.

Saad ng BSP, dapat matutong sumalat, tumingin at itagilid ang mga papel na pera para malaman kung totoo ito. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.