Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP nagbayad ng P20M para ‘bumango’

0 190

Kumuha ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng international public relations company noong 2021 para mapapogi ang bansa sa international scene na binayaran nito ng P20.6 milyon.

Kinuha ng BSP ang Burson Marsteller, isang global public relations firm na headquartered sa New York. Kilala ang Burson Marsteller sa crisis management at political lobbying.

Pinadalhan ni BSP managing director Antonio Joselito Lambino II ng notice of award si Burson-Marsteller (Hongkong) Ltd. director Sze Chiu Yeung noon pang Mayo 2021 para ipaalam sa ahensiya na sila ang kukunin ng BSP bilang consultant para sa international communications nito.

SM food to go Banner Ad

Kahapon, ipinagma­laki ng BSP na hinirang si BSP governor Benjamin Diokno bilang central bank governor of 2022 ng The Banker.

Subalit, wala namang nagawa ang international PR consultant sa de-risking sa Pilipinas ng foreign financial institutions kung saan iniiwasan na lamang nila ang anumang transaksiyong may kinalaman sa Pilipinas dahil nasa grey list ito ng Financial Action Task Force. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.