Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP niluwagan patakaran sa mga bangko

0 329

Muling magluluwag ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga bangko bilang tulong.

Unang nagluwag ang BSP noong Marso 19, 2020 dahil nagulo ang operasyon ng mga bangko nang ipatupad ang lockdown sa malaking bahagi ng bansa.

Isa sa bagong patakaran ay hindi na kailangang timbrehan ng mga bangko ang BSP sakaling magpapalit sila ng araw at oras ng kanilang pagbubukas at ganoon din pagdating sa pansamantalang pagsasara ng mga sangay nila.

Subalit ang mga sangay na pansamantalang isinara ay kailangang mabuksan sa loob ng isang taon at kapag hindi ay ituturing ng BSP na permanente nang isinara ito at kailangan nilang isauli ang lisensiya para dito.

Kasama na rin sa pagluwag ay ang pagpayag na lakihan ang pautang ng bangko sa isang kliyente ng hanggang 30%.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.