Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP: Pekeng P1K kumakalat

0 46

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko hinggil sa mga kumakalat na pekeng P1,000.

Sa pahayag kahapon, sinabi ng BSP na nagsagawa na ito ng limang pagsalakay simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon at 14 na tao na ang naaresto dahil sa pamemeke ng pera.

Paalala ng BSP sa publiko, parating sasalatin at titingnan ang kanilang tinatanggap na pera at kilalanin ang mga security feature nito tulad ng watermark, security thread at iba pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng BSP, kasalukuyan nitong iniimbestigahan ang mga social media post at mga kumakalat sa chat sa messaging apps tungkol sa mga pekeng P1,000 sa merkado.

Sa pagsalat pa lang umano ng papel, mararamdaman na dapat kung peke ito o hindi dahil ang tunay na pera ay makapal at hindi makinis o madulas at may mga naka-emboss na prints. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.