Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP: Pera ‘wag lagyan ng alcohol

0 172

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi dapat basain o lagyan ng alcohol ang pera lalo na ang perang papel.

Sinabi ni Maja Gracia Matic, BSP deputy director, hindi dapat binabasa ang pera kahit na ang motibo ay ma-disinfect ito dahil sa takot na baka may dumikit na Covid-19. Karaniwang binabasa ng ilang mga tao ang pera lalo na ang papel na pera, para mag-disinfect gamit ang alcohol.

Pero ayon sa BSP hindi ito dapat gawin. “Tanging hand washing/proper hygiene lang ang nararapat,” dagdag ni Matic. Paniwala ng marami, kailangan na ma-disinfect ang pera para hindi kapitan ng sakit lalo na ng Covid.

Nauna nang nanawagan ang World Health Organization na simulan na ang cashless shopping o hindi paggamit ng aktwal na pera sa transakasyon para maiwasan ang pagpapalit ng pera na hinahawakan ng marami at pinagmumulan umano ng bacteria. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.