Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP pinatigil operasyon ng LYKA

0 103

Pinahihinto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bayaran sa app na LYKA, isang social media platform na inilunsad sa bansa ng isang Hong Kong-based company, kung saan maaaring mamili, magpalitan ng gamit, at gumamit ng gift cards ang mga user na magsisilbing pambayad bilang kapalit ng kagamitan o serbisyong kukunin nila sa mga ibang user.

Pinahihinto ng BSP ang bayaran sa LYKA dahil nagsisilbi na itong operator of a payment system (OPS) at obligado ang mga OPS na magrehistro sa BSP ayon sa batas.

Ang pambayad ng mga LYKA user sa isa’t isa ay tinatawag na LYKA Gem at ito ang kanilang kinikita at pinambibili ng goods and services sa isa’t isa.

Maraming showbiz celebrity ang nag-endorse ng LYKA kaya’t sumikat ito sa ilan.

Ayon sa BSP, napagtanto ng Monetary Board na ginagawa ng LYKA ang papel ng isang OPS dahil sa bayarang nagaganap sa platform kaya’t kailangan nitong magrehistro bago magpatuloy ng operasyon.

Sabi ng BSP, maaari nitong habulin ang operator ng isang OPS ‘pag hindi ito sumusunod sa mga patakaran sa ilalim ng batas.

Dagdag nito, ang mga nagpapatakbo ng LYKA na payag silang magrehistro na sa BSP bilang OPS.

Paalala ng BSP sa publiko, siguraduhing ang katransaksiyon ay isang rehistradong OPS.

‘Pag rehistrado sa BSP ay nasisigurong ligtas at maaasahan dahil nababantayan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.