Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP, SEC pinalakas werpa vs online pautang scam

0 46

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para ganap na maging batas ang panukalang inaprubahan ng Kongreso upang palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa mga illegal online lending at investment scam.

Kumpiyansa si Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, na pipirmahan ng Pangulo ang Financial Consumer Protection Act upang ganap nang maging batas.

“I am told by sources in the Palace that the President is very likely to sign it this week. In any case, it lapses into law on May 7,” sabi ni Salceda na siyang may-akda ng panukala.

SM food to go Banner Ad

Binigyan aniya ng panukalang batas ng dagdag na kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Securities and Exchange Commission (SEC) upang habulin at kasuhan ang mga sangkot sa online lending at investment scam.

Palalawigin din nito ang subpoena powers ng BSP at SEC bukod sa itataas din ang multa laban sa online lending at investment scam ng hanggang P10 milyon at sasampahan pa ng kasong kriminal. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.