Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP tinabla rehistro ng Lyka operator

0 46

Tumanggi ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na irehistro ang Digital Spring Marketing and Advertising (Digital Spring) bilang operator ng Lyka/Things I Like Company Ltd. (TIL) Payment System.

Pinadala ng BSP ang sagot nito sa kahilingan ng Digital Spring kahapon.

Ibig sabihin, may bisa pa rin ang cease and desist order (CDO) ng BSP laban sa Lyka/TIL at Digital Spring at mananatili itong epektibo hanggang sa ayusin ng Lyka ang pagrerehistro nito bilang Operator of Payment System (OPS).

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni BSP deputy governor Mert Tangnan, hindi nila maibibigay ang lisensiya sa Digital Spring.

Aniya, maihahalintulad ang OPS sa isang piloto ng eroplano na kailangan ng lisensiya para mapatunayang may sapat itong kakayanan. Ang Lyka/TIL ang dapat na kumuha aniya ng lisensiya dahil maihahalintulad ang Digital Spring sa airline ticketing office na wala namang kakayanang magpalipad ng eroplano sapagkat Lyka/TIL ang nagmamaneho nito.

Pinahinto ng BSP ang Lyka/TIL noong Hulyo. Ang Lyka ay isang app o social media platform na pag-aari ng isang Hong Kong-based company saan maaaring mamili, magpalitan ng gamit at gumamit ng gift card ang mga user. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.