Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BSP tinukuran ‘Virtual Banking Act’

0 51

Suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panukalang ‘Virtual Banking Act’ (HB 5913) ni House Ways and Means chairman Joey Salceda (Albay) na naglalayong magtatag ng hiwalay na ‘regulatory and industry development regime’ para sa mga bankong ‘virtual-only’ sa bansa.

Sa isang liham kay Salceda, sinabi ni BSP Gov. Benjamin E. Diokno na pabor sila sa HB 5913), at ang pagkakaroon ng ‘regulatory framework’ para sa mga ‘digital banks’ ay magsusulong ng isang patas na kumpetisyon ng mga ‘digital banks’ at kasalukuyang mga bangko, bukod sa maiiwasan ang ‘regulatory arbitrage’.

“Patitibayin din lalo nito ang mga probisyon ng ‘General Banking Law’ kaugnay sa panukala ng BSP na magkaroon ng sariling uri ang mga ‘digital banks’ na hiwalay sa ibang uri ng kasaluluyang mga bangko gaya ng ‘universal and commercial banks (U/KBs), thrift banks (TBs), rural banks (RBs), cooperative banks, and Islamic banks,’” paliwanag ni Diokno.

Sa ilalim ng HB 5913 na naunang inindorso ng Cebu Bankers Club, ang ‘virtual-only banks’ ay magiging isang uri ng bangko na hihikayat upang magsulong ng mga pananalaping inisyatibo para sa kanilang pag-unlad.

Malinaw na inilalatag ng HB 5913 ang mga ‘minimum macro-prudential standards’ para sa mga ‘virtual-only banks’ at binubuksan ang sektor’ sa dayuhang mga ‘investors’ na aambag sa sapat na pamumuhunan nito at aakit sa mga kaalaman sa ‘financial technology (fintech)’ na likha sa ibang bansa.

“Nagpapasalamat ako kay Gov. Diokno sa suporta ng BSP sa panukala namin. Inihain namin ito noon Enero pa bilang paghahanda sa walang pisikal na transaksiyon na maaaring mangyari dahil sa pandemyang Covid-19” paliwanag ni Salceda.

“Ilang araw lamang matapos naming ihain ito sa Kamara, tumanggap agad kami ng suporta at endorso mula sa Cebu Bankers Club at iba pang dating kasamahan namin sa industriya na nagpapasamat sa panukalang inihain naming,” giit ng solon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.