Abante Tonite Interactive

BTS ayaw kumanta ng English

518

tonite-annyeong-rose-garciaSa pagiging phenomenal na kasikatan ng BTS, tahasan nilang ipinahayag kung bakit hindi sila kakanta ng English.

Although, may ilang kanta sila na English ang titulo tulad ng “Idol,” “Fake Love,” “Fire” at iba pa. May English lyrics din sa kanta, pero majority are still in ­Korean.

Sa naging interview ng Entertainment Weekly sa number one South Korean boy band, gusto raw nilang maging faithful sa kanilang roots, which is K-pop.

Ayon sa isa sa mi­yembro ng grupo na si RM, “We don’t want to change our identity or our genuineness to get the number one. Like if we sing suddenly in full English, and change all these other things, then that’s not BTS.

We’ll do everything, we’ll try. But if we couldn’t get number one or number five, that’s okay.”

Para naman kay Suga, ang pinaka-main goal daw nila ay gumawa ng magagandang music at performances gamit ang iba’t ibang elements.

Nabanggit din naman na nagkakaroon na rin ­talaga ng audience ang mga non-English songs, isa na rito ang “Despacito” ni Luis Fonsi na iba’t ibang nationalities din ang nag-cover o nag-perform.

On their part, as K-pop, nakikita raw ni RM ang mga difficulties pa rin to stick with their Korean music. Pero, ang maganda naman sa BTS, they’re really the symbol of K-pop now sa international arena.

Katwiran ni RM, bakit mahirap pa rin for them to stick with their roots, “You know, Latin pop has its own Grammys in America, and it’s quite different. I don’t want to compare, but I think it’s even harder as an Asian group.”

Sa kabila nito, alam ng BTS na may advantage din for them to sing some English songs pero mas nanaig sa kanila na mas mai-promote sa buong mundo ang kanilang roots.

Anyway, kahit naman all-Korean songs ang BTS, tanggap sila sa bawat bansa. Recently lang ay talagang dinayo pa ni Liza Soberano ang concert nila sa Hong Kong. Kinarir ng boyfriend niyang si Enrique Gil na makakakuha pa rin sila ng tickets. All BTS concerts tickets are always sold out in ­minutes as soon as it was released.

Tonite – Wendys Inhouse Ad