Abante Tonite Interactive

BTS, Blackpink malakas ang hatak sa Amerika

589

Kung pagbabasehan ang million views, physical sales ng mga bagong album na inilunsad ng BTS at Blackpink, tama ang title ng lumabas na artikulo sa allkpop.com na “it’s a powerful k-pop weekend in Korea.”

Sa mga ganitong accomplishment ng dalawang grupo, puwede ring sabihin na sa kabila ng mga naglabasang scandal sa ilang K-pop celebrities, solid pa rin talaga ang suporta hanggang international ng mga fan sa K-pop.

Sa Korea pa lang, na-domina na ng bagong album ng BTS, ang ‘Map of the Soul: Persona’ ang domestic charts at nakabenta na ng mahigit sa 2 million physical copies ng latest album pa lang nila.

Teka, sino may sabing wala na ang mga physical album sa sales?

Pareho ang BTS at Blackpink na napakalakas din hanggang sa America. According sa Billboard, ang Blackpink ang may highest entry by an all-female group in K-pop. Nasa number 41 ito sa Billboard’s Hot 100 chart.

Isama pa na last week, ang Blackpink din ang may highest debut of all time sa YouTube with 56.7 million streams in 24 hours. Pero na-surpass ito ng BTS with 74 million noong Friday.

Sa Billboard Hot 200 albums chart, sa EP ng Blackpink na ‘Kill This Love’, pumasok sila sa #24. Bukod dito, #1 on Billboard’s World Albums chart, after their debut mini-album ‘Square Up’ and their 6th #1 on Billboard’s World Digital Songs Sales chart.

Pareho rin na magpe-perform sa sold-out shows across North America ang Blackpink at BTS. Sa April 17 ay nasa Forum Arena ang Blackpink with 17,500 ‘Blink’ (tawag sa mga fan nila). Second Coachella performance naman nila ay sa April 19, sa Rose Bowl, Pasadena. At sa California on May 4.

Seriously, ibang klase talaga ang naise-set na popularity ng dalawang K-pop group na ito sa buong mundo!