Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BTS fan nag-ayuda kay elepante Mali

0 112

Todong pasasalamat ang pinaabot ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga tagahanga ni BTS member Jungkook, na nag-donate para sa residenteng elepante ng Manila Zoo na si Mali.

“Nagpapasalamat tayo sa Golden Alliance PH, ang Pinoy fanbase ng K-Pop idol na si Jeon Jung Kook ng BTS dahil sa pag-dodonate nila ng mga pagkain at kagamitan para kay Mali, ang ating elephant sa Manila Zoo na inaalagaan din ng mga kawani natin mula sa Public Recreation Bureau,” tweet ng alkalde.

“Muli, thank you po sa inyong pagmamalasakit, ARMYs! Pag-ingatan po ninyo ang inyong mga sarili! 💜,” aniya pa na binabanggit ang fandom name ng sikat na K-pop boy group at nilakipan ng purple heart emoji na simbolo ng BTS.

Sinara ang Manila Zoo sa mga bisita noong Enero 2019, matapos kilalanin ng LGU na isa sa mga pangunahing source ng polusyon sa Manila Bay.

Inaalagaan at pinapakain pa rin ang mga hayop doon kahit nakasara na ang zoo at nanalasa ang pandemyang COVID-19.

Samantala, tinutulak naman ng mga wildlife advocate na mailipat na si Mali sa isang elephant sanctuary sa Thailand . Ito’y para makahahalubilo niya ang iba pang mga kapwa-elepante. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.