Abante Tonite Interactive

BTS ginawan ng kurso sa US university

By
160

tonite-annyeong-rose-garciaMarami ang nagulat sa inilabas ng koreaboo.com na ang sikat na South Korean boy group na BTS ay isa nang course sa isang kila­lang unibersidad sa Ame­rica, ang The University of California Berkeley.

Kung hindi kami nagkakamali, parang ngayon pa lang yata na may isang grupo ng boy band na ginawang kurso sa isang unibersidad. Na ang dahilan, dahil sa pheno­menal na pagsikat ng pitong miyembro ng BTS na sina V, Jungkook, Jimin, Suga, Jin, RM at J-Hope.

So, isang malaking dahilan na nga naman ito para mag-enroll ang mga Army sa Berkeley. Ang Army ang tawag sa fandom ng BTS.

Student-run academic daw ito na kunsaan, ang nag-launch ng course ay dalawang Army na sabi sa koreaboo.com, gusto na makapag-“create a space to analyze the BTS phenomenon.”

Ang pangalan ng course ay “Next Generation Leaders: BTS” at bahagi ito ng UC Berkeley’s Democratic Education at Cal program, (DeCal), the school’s student-run democratic education program.

Ayon sa DeCal website, pag-aaralan ang BTS’s history, artistry, global impact at marami pang iba.

Nakasaad din sa deskripsiyon ng course na, “This course will focus on Korean boy group, BTS, and their global impact. We will attempt to explore the group’s history, artistry, philanthropy, and many other aspects in order to analyze their growing impact in society as well as their international success. Additionally, we will dive into the intricate world they have created through their album concepts and videos, also known as, “Bangtan Universe.” We will also look at media texts like articles, interviews, and the group’s own music videos to ­allow students to think critically and create their own theories about the group’s ­success.”

Nagkaroon ng mandatory information session na ginanap sa campus noong February 5 para sa lahat ng estudyanteng interesado sa kurso. At ang naging final enrollment for the course ay nagtapos naman noong February 6.

At kahit daw tapos na ang enrollment, dinudumog pa rin ng mga inquiry ang official Twitter account ng kurso na Next Gen BTS. Karamihan sa mga ito, interesado kung may online course na ino-offer ang university.