Abante Tonite Interactive

BTS Jin kinabog si Cha Eun Woo

275

Naglabas na ang popular na Korean community website na Namesns ng resulta ng ginawa nilang poll.

Ang botohan na ito ay kung sino ang Best Visual K-Pop Idols sa taong 2019.

Kung tama ang pagkakatanda at naisulat namin last year, 2018, ang South Korean boy group na Astro member na si Cha Eun Woo ang nag-top sa list.

This year, si Eun Woo na bida sa “My ID is a Gangnam Beauty” at may kasalukuyang drama, ang “Rookie Historian Goo Hae Ryung” ay pumangatlo na lang sa poll.

Ang BTS member na si Jin ang nanalo sa poll na nakakuha ng 43% of the votes. Pangalawa ang SS501 na si Hyunjoong at pang third nga this year ang Nation’s Love na si Eun Woo.

Si BTS Jin, 26 years old, ang vocalist ng grupo. He’s also a songwriter. He is currently enrolled in graduate school at Hanyang Cyber University. Gusto pa niyang magkaroon ng ibang kurso other than music.

Sa mga babaeng idols naman, si Jisoo ng Blackpink ang nanalo. Second place si T-Ara na si Jiyeon at pang-third naman ang Dreamcatcher member na si Jiu.