Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BTS Jungkook mas type matulog kesa date

0 93

Hindi naman maikakaila na namamayagpag ang “BTS” .Hindi lang sa South Korea kundi worldwide .

Dito na nga lang sa Pilipinas, dahil sa collaboration ng isang fastfood chain sa BTS, “selling like hotcakes”. Talagang ang lahat ng food items nito na na may BTS logo or anything about the group ay ginagawa nilang koleksyon. Kung dati, ang supot, ang cover ng mga dips ng nuggets ay diretso basurahan, ngayon ginagawa pa itong collectibles as part of the group’s merchandise.

Hindi rin maide-deny na may ibang Army (mga fan ng BTS) na sobrang possessive o toxic fans kung tawagin dahil s dami na nila.

Parang napaka-imposible na rin ang “dating life” sa BTS. Tiyak, isang napakalaking issue o scandal sa Korean entertainment, huh!

At katulad ng isa sa member ng BTS na si Jungkook, kahit na ilang beses na nila napag-uusapan ang tungkol sa “dating” parang understandable na hindi pa rin talaga ito posible na ma-experience nila ngayon.

SM food to go Banner Ad

Nasabi na minsan ni Jungkook ang ideal type niya sa babae. Aniya, gusto niya sana ang girlfriend na may healthy body, toned muscles at pretty legs daw. At dahil may pagka-competitive raw siya, type rin niya na ganito ang magiging girlfriend.

At kung meron man daw celebrities na close sa ideal type niya, as expected, ang itinuturing nito ang Korean singer/actress/composer na si IU at ang Hollywood actress na si Emma Watson.

At sa interview ng BTS sa Esquire Magazine, natanong sila ng ilang questions na pawang ang sagot nilang lahat, “NO.”

Ilan sa mga tanong, “Are you dating?” “Is there a time and can you?”

Sabi nga niya, “The most important thing for us now is to sleep.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.