Abante Tonite Interactive

BTS Jungkook type bawian ng award

0 328

Kaugnay ng nangyayaring pandemic ngayon dulot ng COVID-19, nalalagay sa alanganin si BTS Jeon Jung-kook o mas kilala bilang si Jungkook.

Ilang araw na rin na nakatatanggap ng mga kritisismo si BTS Jungkook at tatlo pang idols ng ibang boy group sa Korea. Ang dahilan diumano ay ang pagsuway ng mga ito sa social distancing.

Kasama ni Jungkook sina NCT’s Jaehyun, ASTRO’s Cha Eun Woo at si Seventeen’s Mingkyu na gumimik sa isang bar sa Itaewon sa kasagsagan ng COVID-19 . Ito’y sa kabila ng pagi-impose na magkaroon ng social distancing at hangga’t maari ay ang pananatili sa bahay kung wala talagang importanteng gagawin sa labas.

Nagkataon, rumampa sila sa naturang bar na merong nag-positive sa COVID-19 . Dahil dito, na-disappoint ang karamihan sa mga tagahanga nila at K-netizens. Dapat daw sana ay maging magandang example sila pero sila pa ang tila mga pasaway.

Hanggang ngayon, kinokondena sila. Merong nagre-request na sana tanggalin na sila sa existing shows nila tulad ni Cha Eun Woo na bagong miyembro ng All The Butlers. Baka raw mag-suffer pa ang show at madamay ang ibang stars dahil sa pagkadismaya ng mga nerizen.

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng Big Hit Entertainment at pangakong hindi na mauulit pa ang nangyari, may petition na ipinarating sa Blue House na bawiin umano ang ‘Order of Cultural Merit Medal’ na ipinagkaloob sa grupong BTS noong 2018 dahil sa kontribusyon nila sa Korean culture at K-pop world.

Narito ang nakasaad sa petition na isinumite ng mga netizen noong May 18, “Please revoke BTS Jungkook’s Order of Cultural Merit medal. Big Hit Entertainment artist BTS’s Jungkook and his three idol friends went to an Itaewon nightlife eatery while many people in the country are trying to overcome the global Coronavirus epidemic.

Nakasulat din na tila hindi akma ang recognition na ipinagkaloob dito. “disregard the efforts of the public and officials who have tried to overcome the virus so far, and does not match the purpose of the medal which is awarded to those with outstanding achievements that contributed to national development.”

Tiyak na marami ang mag-aabang kung mabibigyan ng katuparan ang petition sa Blue House o tatanggapin na lang ang paghingi ng paumanhin ng apat, kabilang nga si Jungkook.

Tonite – Wendys Inhouse Ad