Abante Tonite Interactive

BTS may New York surprise sa Army

254

Talagang na-conquer na ng BTS, phenomenal at pinakasikat na boy group ng South Korea, ang America.

Hindi matatawaran ang mga tagahanga ng BTS na kung tawagin ay Army sa iba’t ibang panig ng mundo. And for a non-English idol group, talagang nakuha ng grupo ang paghanga ng iba’t ibang nasyon.

Alam niyo ba na noong May 21 ay may bagong look ang Empire State Building sa New York City?! Yes! Ipinost sa kanilang Twitter account na magkakaroon ng ilaw ang top of the building ng kulay purple sa loob ng limang minuto kada oras, after sunset.

Bukod dito, nag-post din sila ng larawan ng pitong miyembro ng BTS na nasa harapan ng smaller version ng Empire State Building.

Nag-post din ang BTS sa kanilang official Twitter account ng sorpresa nilang ‘yun sa kanilang mga tagahanga, ang Army.

Ang magkasunod na tweet ng @BTS_official na may naka-attach na pictures, “Special NYC surprise tonight as we light up the @empirestatebldgfor our #BTSARMY#BTSxNYC. #BTSxNYC.”
Sinundan nila ng tweet pa na, “We loved turning the @empirestatebldgpurple tonight for our fans #BTSARMY. We love you! #BTSxN #EmpireStateBuilding.

Nasa New York City ang grupo para mag-participate sa iHeartRadio Live interview with host Elvis Duran. Then, lilipad sila sa Sao Paulo, Brazil sa May 25 at May 26 para sa pagpapatuloy ng kanilang “Speak Yourself” tour.
Ang mga tagahanga ng BTS ay tuwang-tuwa sa sorpresang ito ng kanilang idols at very proud sa mga ganitong achievements ng grupo.

Ang purple ang official color ng BTS. Madalas gamitin ang phrase na “I purple You” ng mga Army. Ayon kay BTS V, ang purple ay kulay ng trust at long lasting love.