Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BTS, Megan naudlot ang sanib-puwersa

0 63

Umasa ang mga tagahanga ng BTS at ng American rapper na si Megan Thee Stallion sa performance ng mga ito sa 2021 AMA (American Music Awards) na ginanap noong November 21.

Si Megan ay naka-collab na ng BTS sa kanilang song na “Butter” na ni-release noong August. Pero ito sana ang unang pagkakataon na mapapanood sila ng live.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay nag-post si Megan na nanghihinayang nga ito na hindi tuloy ang kanilang performance.

Walang nilagay na dahilan si Megan maliban sa sinabi nitong unexpected personal matter. Sa comment ng mga netizen, iniisip nila na posibleng malungkot o may pinagdadaanan si Megan dahil sa pagkamatay ng isang kaibigan.

SM food to go Banner Ad

Na-murder raw kasi ang friend nito ilang araw lang ang nakalilipas. Pinost niya ito sa kanyang Instagram. Dahil dito, tila mahirap para sa rapper ang mag-perform.

Sa ilang comment ng mga fan, “It’s sad, but life has its up and down, so I hope they still get to perform it eventually together.”

“Aw sad to hear. Hope Bangtan and Meg will have another opportunity to showcase their collab and create an amazing performance together at another time!”

Samantala, nanalo ang BTS na ‘Artist of the Year’ ng American Music Awards sa Los Angeles . Ito ang pinakamataas na premyo sa pinakamalaking fan-voted ceremony sa buong mundo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.