Abante Tonite Interactive

BTS nanguna pa rin sa Twitter

192

tonite-annyeong-rose-garcia

Ang nakaraang taon na 2018 ay minsan pang napatuna­yan ang power ng mga idols ng South Korea. Puwedeng sabihin talaga na sa nagdaang taon, ang mga boy group pa rin talaga ang nanguna in-terms of South Korea’s entertainment sa loob at labas ng bansa.

Hindi matatawaran ang tagumpay at popularidad na natamo lalo na ng grupong BTS sa taong 2018. Gayundin naman ang consistency ng EXO lalo na sa loob ng SoKor. At hindi rin nagpahuli ang produkto ng Produce 101 na Wanna One kahit na disbanded na sila ngayong 2019.

Abante Hiring – IT dep

Sa lahat, hindi na namin halos nabilang at nasubaybayan ang lahat ng mga achievement ng grupong BTS. Kung paano number one sila palagi sa mga music chart hanggang sa America.

At sa isinagawang statistic ng Twitter Korea, naglabas sila ng most tweeted about people in South Korea in 2018. True enough, ang mga idol/boy group ang pumasok sa Top 10.

Pinangungunahan na ng BTS (@BTS_twt) with 625K people talking.

Pumapangalawa ang EXO (@weareoneEXO) with 52.8k people talking­ pero kung ikukumpara sa BTS, napakalayo pa rin ng agwat.

Sinundan na ng ibang boy group tulad ng GOT7 (@got7official), Wanna One (@WannaOne_twt), NCT (@NCTsmtown), SE­VENTEEN (@pledis_17), MONSTA X (@OfficialMonstaX), TWICE (@JPYETWICE), VIXX (@realVIXX) at NU’EST (@NUESTNEWS).

May papasok kayang ibang boy/girl group na mas makikilala ngayong 2019 o sila pa rin ang magiging matatag?