Abante Tonite Interactive

BTS nanguna sa Top 10 Most Viewed Videos in YouTube.

0 236

Maraming Pinoy ang mahilig sa k-drama at k-pop. Aminin man o hindi, mas pinagtitiyagaang panoorin ang may subtitle na english na mga Korean drama o sa mga tagalized ng mga network.

Talagang maraming k-pop fanatic sa millennials. Hindi man naiintindihan ang lyrics, pero kapag tinanong ang mga ito kung bakit sobrang nakaka-adikan ang mga k-pop songs, isa ang posibleng isagot, melody pa lang at pag-awit nila, madadala ka na.

Pero sa kabila ng Pinoy K-addict, marami pa rin ang hirap matandaan ang mga name ng South Korean stars.

Pagdating sa girl at boy group, may mahigit 200 na sa South Korea. Ito ‘yung mga hindi pa disbanded at nakapag-debut na. Pero baka wala pa sa sampung daliri ang posibleng kilala o familiar ang K-pop fanatics.

Samantala, naglabas ang koreaboo.com ng Top 10 Most Viewed Videos in YouTube.

Sa top 10 na ito, kasama pa rin ang grupo ni Sandara Park na “2NE1” kahit na ilang taon na itong disbanded. Only goes to prove na iba rin talaga ang naging marka ng 2NE1 both in Korea and international.

Narito ang Top 10 Most Viewed K-pop groups in You tube.

Nangunguna pa rin sa lahat ang BTS. Iba ang power ng BTS at Army sa buong mundo, lalo na sa Western side. Ang video nila ay umabot na ng 10 billion views. Pangalawa naman ang Blackpink. Kaya it’s no doubt na ang Blackpink ang female counterpart ng BTS pagdating sa kasakitan.

Ang single nila na “Ddu-Du Ddu-Du” ay umabot na ng 943+ million views. May 7 billion views across a total of 246 videos ang grupo.

Sa kabila ng mga scandals na kinasangkutan ng ilang miyembro ng grupongBIGBANG at nasa military service pa rin ang mga miyembro, pangatlo pa rin sa most viewed k-pop group ang mga ito. With combined 6.1 billion total views.

Pang-apat ang girl group na Twice na isa sa favorite, lalo na ng mga male fans. Ang music video na lang ng single nilang “TT” ay meron ng 476+ million views. At total 4.4+ billion views.

Pang-lima ang EXO. Ang EXO among the boy groups now ang isa sa pinaka-popular talaga sa South Korea at kilala sa husay nilang mag-perform. The group has 4.1+ billion views across 335 videos and EXO’s most viewed YouTube video is “Monster” with 288+ million views.

Pang-anim hanggang sampu naman ang mga sumusunod na boy and girl groups. Ang Girls Generation with a total of 3.5+ billion views, GOT7with 2.1+ billion views. Ang2NE1ay pumasok pa rin sa top 8 kahit na matagal na itong disbanded. Ang “I Am The Best” with 239+ million views is their most watched video and a total of 1.7+ billion.

Pang-siyam naman ang Super Junior who has been in the industry for 15 years and the group has 1.6+ billion views at pang-sampu ang Red Velvet with 1.5+ billion views in total.Their highest viewed video is the music video for “Bad Boy” which currently has 226+ million views.