Abante Tonite Interactive

BTS nganga sa Grammy awards

212

tonite-annyeong-rose-garcia

 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo ng 61st Annual Grammy Awards sa America ang BTS.

Ilan sa mga nababasa naming comment ng mga netizen, sana raw ay taon-taon na mag-attend ang grupo sa nasabing event.

Nagbigay naman ng pahayag ang pitong miyembro ng BTS na isa sa pangarap nilang talaga ang natupad na maging bahagi ng Grammy Awards ngayon.

“It was a dream come true,” ang lahad ng BTS sa naging interview sa kanila during the red carpet na ginanap sa Staples Center, Los Angeles noong February 10.

Tinanong din ang mga ito kung sino ang mga nilu-look forward nila na makita. Ang mga international singers na sina Lady Gaga, Camila Cabello, Travis Scott ang nabanggit ng mga ito. Tuwang-tuwa naman ang mga fan nang sabihin nila na, “and of course, the ARMY.”

Very proud ang mga Army (tawag sa mga fan ng BTS) sa panibagong achievement na ito ng grupo. Ang kauna-unahang boy group mula sa Korea na naimbitahan na mag-attend ng Grammy Awards bilang mga award presenter.

Hindi man nanalo ng kahit na anong awards ang grupo, very proud pa rin ang Army sa kanila. Mas lalo pang humanga ang netizen sa grupo dahil mas pinili nilang isuot ang gawa ng dalawang local designers sa Grammy’s sa halip na mga kilalang mamahaling brand ng damit.

Sa mga nakasubaybay sa BTS, hindi na bago na ang mga outfit nila ay mga brand tulad ng Gucci o Christian Dior. Maaaring dahil nakita rin nila na isa sila ngayon sa magandang medium ng kanilang bansa para mas maipakilala pa ang gawang Korea sa buong bansa, dalawang local designers from South Korea ang napili nilang gumawa ng kanilang mga black suits. Ito’y sina JayBaek Couture at si Kim Seo Ryoung.

Du­ring the awards night, nag-viral naman si BTS V dahil sa kanyang mint green na buhok. Ang daming Americans na naka-appreciate ng hairstyle niya, even non-BTS fans at isa nga sa mga tweet, “Ok but who is the guy in the middle with the green mint hair, he might just be the most beautiful man.”

Kasabay ng mga news about their 61st Annual Grammy Awards appearance, ang kanilang “Fake Love” ay pangatlo sa kanilang music video na naka-hit na ng 450 million views! Yes, 450 million lang naman, huh!

Pero ‘di pa ‘yan, ang kanilang “Fire” na music video naman ang pangalawa sa mga MV nila na uma­bot na ng 500 million views!