Abante Tonite Interactive

BTS pinetisyon na ‘wag ipasok sa military

By
1,382

Ibang klase talaga ang kasikatan ng South Korean boy group na BTS!

Given na ang phenomenal record na nagagawa nila sa kahit anong gawin o i-release nila. With million views and subscriber­s at ang pagiging leading sa iba’t ibang international music chart tuwing may bagong single silang niri-release.

Pero, would you believe, nang mag-release ng bagong version ng BTS light stick na tinawag na ‘Army Bomb Ver. 3’ ang Big Hit Entertainment para sa online goods ng grupo noong July 27 ng 6pm ay hindi ito kinaya ng Big Hit.

Hindi nakayang i-handle ng Big Hit Shop ang demands at na-traffic ang mga fan even before 6pm. Nag-crash ang server dahil sa overflowing demand na natanggap ng Big Hit Shop.

Kaya ang ending, ang message na “please try again later” ang lumalabas na sa mga nagre-register para maka-order ng bagong light stick. Sa mga hindi nakakaalam, ang light stick ang karaniwang nakikita na gamit at itinataas ng mga fan tuwing may fan meeting at concert ang mga hinahangaan nilang idol at singer.

Bawat sikat na grupo at ­Hallyu star sa South Korea ay may signature light stick.

Bukod dito, gumawa rin ng petition ang South Korean politician kung maaari raw ma-exempt from mandatory military service ang BTS. Given na ang kahit sinong Korean male na required na mag-enlist sa army, lalo na kapag nakatanggap na sila ng invitation mula sa military.

Pero may iilan na nae-exempt sa mandatory military service, karaniwan ay ang mga mga athlete na lumalaban at nagdadala ng pa­ngalan ng Korea sa iba’t ibang bansa. Inihalintulad nga ang BTS sa ilang nabigyan ng exemption dahil kasikatan ng grupo internationally.

Ilan sa ibinigay na dahilan ay ang pagta-top 1 ng BTS sa Billboard Chart 200 at ang recent award na natanggap nila noong May sa 2018 Billboard Music Awards at MGM Grand Garden Arena, Las Vegas.

Maging ang mga fan ay nakikiusap na ma-exempt ang grupo.

Pero mukhang malabo raw na maaprubahan ang petition dahil sa isyu ng ‘fairness’ kung ang BTS ay mapagbibigyan.