Abante Tonite Interactive

BTS sinira ang sariling record

By
137

Unstoppable ang kasikatan na tinatamasa ng South Korea’s boy group na BTS! Tuwing may bagong album o single na iniri-release ang grupo in a span of months, parang pattern na sila mismo ang sumisira ng huling record na naitala nila.

Noong August 24 ay nag-release ang BTS ng kanilang highly anticipated repackaged album na “Love Yourself: Answer” na naglalaman ng mga new track kabilang na ang “Idol”, “Epiphany”, gayundin ang dating tracks nila na “DNA”, “Fake Love”, “Dimple” at iba pa.

Sa repackaged album nila, in just a few hours na nai-release ito, pasok na agad sila sa USiTunes chart. Nasa Top 9 out of 10 at 26 out of 50 songs ay BTS.

Abante Hiring – IT dep

Maging si Ed Sheeran ay nag-post sa kanyang Instagram story. Kino-congratulate ang grupo. Ayon sa singer, “Congrats to BTS who are about to have an ­incredible week. Cool album.”

At dahil sinira nila ang sarili nilang record, sila pa rin ang fastest K-pop group na nakakuha ng 10 million views sa loob lang ng apat na oras at 16 minuto. 39 minutes faster than their previous record for “Fake Love” MV at nakasira rin ng record ni Taylor Swift na naka-reach ng 10 million views sa loob ng 4 hours, 55 minutes.

Bukod dito, naka-announce na rin sa official website ng Grammy Museum na ang Grammy Museum Artistic Director na si Scott Goldman ay magkakaroon ng interview sa K-pop boy group sa 200-seat theater ­located on the second floor. Magaganap ito sa ­September 11.