Abante Tonite Interactive

BTS tapos nang mamahinga

228

Nagbabalik ang BTS. Yes, mahigit isang buwan din na nagpahinga sila. Nabigyan sila ng pagkakataon na walang promotion, walang any showbiz commitments but instead, they we’re given the chance to relax and enjoy kung ano man ang gusto nilang gawin.

Kahapon, September 16, spotted na ang grupo sa Incheon International Airport. Balik na sila sa kanilang mga activities, officially.

Ganito ang inilabas na statement ng agency nila na Big Hit Entertainment:

“BTS has ended their period of rest and will be flying out today for a scheduled activity.”

BTS is also preparing for their “Love Yourself: Speak Yourself” performance at the King Fahd International Stadium in Saudi Arabia on October 11. Susundan naman sa October 26, 27, at 29. Magpe-perform sila sa Olympic Stadium sa Seoul bilang pagtatapos ng kanilang epic tour, which took them all around the world.

Maganda ang ginawang ito ng Big Hit Entertainment sa BTS dahil for the past years, talagang halos araw-araw ang ginagawa nila. Kasama na ang halos daily rehearsals din nila. Bukod pa sa mga fly-in, fly-out nila sa iba’t ibang bansa.

At least ngayon, masasabing fully recharged muli ang grupo na magpasaya, lalo na ng mga Army.