Abante Tonite Interactive

BTS Top 43 sa Forbes’ highest-paid celeb in the world

352

Sa unang pagkakataon ay nakapasok ang South Korean boy group na BTS sa Forbes List Highest-Paid Income Celebrities in the World.

Ang BTS ang bukod-tanging Korean celebrities na nakapasok sa Top 100 List sa buong mundo.

Pumasok sa Top 43 ang BTS ayon sa Forbes, kumita ng $57 million USD pretax income last year.

Abante Hiring – IT dep

Ayon din sa Forbes, basically ang income na ito ng grupo ay nanggaling majo-rity sa kanilang “Love Yourself” series tour.

Doon pa lang, nakapagbenta na sila ng halos 300,000 tickets na aabot sa $7 million USD.

Bukod pa rito ang income ng grupo through their movies, games and endorsements. Noong November 2018 pa lang daw, sa kanilang “Burn the Stage: The Movie” ay kumita sila ng $18.5 million USD.

Bukod sa bagong achievement na ito ng grupo, ini-acknowledge rin ng CNBC kung gaano kalaking pera ang naipapasok ng BTS sa South Korea. Halos 4 billion won for the Korean economy ang naipapasok ng BTS taon-taon.

At kung mame-maintain nga raw ng BTS ang kanilang popularidad, posibleng sa loob ng dekada ay makapagpasok ng 37 billion dollars sa economic value ng bansa ang grupo.

Pinaniniwalaan din na malaki ang bahagi ng grupo sa mas lalong paglago ng tourism ng South Korea.

Na in 1 over 13 tou-rists, ang dahilan daw ay ang pheno-menal group.
Sa Forbes Top 100 List Highest-Paid Entertainers in the World, kasama rin sina Taylor Swift, Kylie Jenner, Kanye West, Lionel Messi at Ed Sheeran na nasa Top 5.