Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BTS V 10 billion ang view sa TikTok

0 140

Napapatunayan ni Taehyung o mas kilala bilang si BTS V ang title na ‘SNS King’ o King of Social Media.

Nakagawa ng record si Taehyung na siya pa lang ang nakaka-achieve. Sa Tiktok apps, umabot siya ng 10 billion views! Yes, bilyon at hindi milyon lang ang pinag-uusapan.

Ang mga hashtag na V at Taehyung sa Tiktok ay pumalo na ng 10 billion views.

At dahil dito, siya pa lang ang nakapagtala sa buong mundo na nakakuha ng mahigit 10 billion views sa dalawang hashtag.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, nag-viral din siya sa nag-hit na “Pound the Alarm Challenge.” Tatlong videos niya ay pumasok sa Top 10 Most Watched Videos.

At recently lang, kari-release lang ng bagong single ng BTS, ang “Dynamite.” Sumampa na ng milyon ang views nito sa loob lamang ng isang araw kahit ilang retro edits lang ang mapapanood .

Kinumpirma rin ng YouTube na ang single nilang “Dynamite” ay nakakuha ng actual 101.1 million views sa loob lamang ng 24 oras.

Dahil dito, na-break na ng BTS ang record na naitala ng Blackpink bilang highest amount of views in YouTube history.

Leave A Reply

Your email address will not be published.