Abante Tonite Interactive

BTS V ipapadala ang pangalan sa Mars

225

Ibang klase talaga ang mga fan o ang Army ni BTS V (Kim ­Taehyung). Hindi man si BTS V mismo ang makakatungtong sa planetang Mars, ang pangalan niya ay siguradong makarara­ting dun.

Magpapadala muli ang NASA (National ­Aeronautics and Space Administration) ng ­rover sa Mars next year na tatawaging­ MARS 2020.

Matagal nang nababalita na in the future, may mga tao mula sa planetang Earth ang posibleng makatungtong na sa Mars, pero nag-offer ang NASA sa mga tao na puwedeng magpadala ng ­pangalan and in return, will be able to receive a souvenir boarding pass to Mars.

For sure na may corresponding price ang pagpapadala ng pangalan sa Mars. Base sa na-google namin, ang estimate cost noong 2016 para makapagpadala ng isang human sa Mars ay nasa $10billion.

Pinili nga ng mga fan ni BTS V na ipadala ang pangalan niya sa Mars bilang bahagi na rin ng kanilang special gift dito for his birthday, which is actually, on December 30 pa.

Sa nabasa naming tweet, ang mismong tunay na pangalan ni V ang ipinadala nila. May tweet na, “Taehyungie’s name is going to mars! It will be launched in July 17 2020 from Cape Canaveral Launch Pad and would be landing on expected date of Feb 18 2021 at Jezero Crater on Mars.”

At ‘eto pa, hindi na lang pangalan ni BTS V ang makararating sa Mars, pati ang name ng pet dog.

A fan with a Twitter account na @sinistersuga ang nagpadala naman sa NASA ng pangalan ng aso ni V na si Yeontan. Kaya both “father and son” daw will be making their way to Mars.

Sabi sa tweet, “I sent Tanie’s name too. This ­Pomeranian and his owner have quite literally, a universal presence.”

Sa isang banda, on break at nakabakasyon pa rin ang buong grupo ng BTS sa ngayon.